Ikatlong Villaflores College Press Conference, pinasinayaan

Ni: Mary Carlene F. Cuevas

Oktubre 1, 2026

Pormal na binuksan ng Villaflores College ang ikatlong Villaflores College Press Conference (VCPC) noong Agosto 6, 2026 sa temang “Journalism Without Border: Inspiring Excellence in the Digital Era.” Dinaluhan ito ng humigit-kumulang 100 mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang na lumahok sa mga indibidwal at panggrupong kategorya. Layunin ng programa na linangin ang talento at kakayahan ng mga kabataan sa pamamahayag. Ayon kay School Paper Adviser Jomar M. Alba, ang VCPC ay hindi lamang kompetisyon kundi pagdiriwang ng kakayahan ng pamamahayag na magbigay-kaalaman, magbigay-inspirasyon, at makalikha ng positibong pagbabago.

Magbasa pa…