
sAIkit sa Edukasyon
Oktubre 1, 2026
Sa ating henerasyon talamak na ang paggamit ng teknolohiya sa anumang uri ng gawain, tulad ng pananaliksik ng mga impormasyon at paglikha ng mga presentasyon. Halos karamihan sa mga kabataan ay gumagamit nanang artipisyal na intelihensya upang mas mapadali ang kanilang mga gawain at tungkulin. Ngunit ang masyadong paggamit ng AI ay maaaring makaapekto sa natural na intelihensya ng mga kabataan. Paano nga ba natin maiiwasan ang sobrang pag-asa sa AI?
Ang AI ay napapakinabangan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng kanilang mga takdang aralin. Ngunit may mga pagkakataon kung saan wala nang limitasyon ang paggamit ng mga kabataan sa artipisyal na intelihensya. Halimbawa nito ay ang iresponsableng paggamit ng mga estudyante ng AI sa panahon ng pasulit. Nakakapanghinayang ang mga sitwasyon na ito dahil hindi na nabibigyan ng halaga ng mga estudyante ang kanilang sariling kakayahan, nawawalan na sila ng tiwala sa sarili, at nawawalan na ng saysay ang mga itinuturo sa kanila.
Sa henerasyon na ito hindi maiiwasan ang pagkakataon na gumamit ng AI. Kaya’t ang mainam na solusyon ay limitahan ang paggamit nito at iwasan ang masyadong pag-asa dito. Palagi nating tandaan na mas maipagmamalaki natin ang ating sariling kaalaman kaysa sa kaalaman na galing sa teknolohiya.