Kayla Sanchez Nakamit ang Ikatlong Gintong Medalya Para Sa Pilipinas sa 33rd Sea Games

Ni: Joshua U. Cafe

Oktubre 19, 2026

Umaalingawngaw anmgh Pinay Olympian na si Kayla Sanchez matapos maiuwi ang ikatlong gintong medalya sa Women’s 100M Backstroke finals sa 33rd Sea Games na ginanap sa Thailand nitong ika-13 ng Disyembre, taong 2025. Siyay’y nakabulsa ng oras na 1:02.35.

Sa unang 50M, inungusan kaagad ni Sanchez at dinomina ang kaniyang mga katunggali. Walang kahirap-hirap na nilupaypay ni Sanchez ang 8 niyang mga kalaban.

Sinubukan naman ng Thailand ang Indonesia na lamangan si Sanchez, ngunit hindi nagpadaig si Sanchez at patuloy itong nanguna.

Samantala, sumunod si Mia Millar na nakalikom ng oras na 1:02.52 at si Flairene Candrea naman ng Indonesia na nakakuha ng 1:02.60.

Sa huli, tibay at tatag ang naging sandata ni Sanchez upang masungkit ang gintong medalya.