Paraiso sa Negros Oriental

Ni: Carlene Kate Manaban

Oktubre 19, 2026

Napapalibutan ng mga mahiwagang tanawin na tila maparaiso at kay sarap pagmasdan at liwanagan. Mula kabundukan, kapatagan, at katubigan makikita at mararanasan mo ang tunay na kagandahan ng ating kalikasan.

Ang Negros Oriental ay isa sa mga magagandang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa gitnang Visayas. Kilala ito sa taglay nitong likas na yaman, malinis na dalampasigan at matatayog na alon. Isa sa mga pinakamagandang destinasyon dito ay ang Apo island. Na karanasan dumadayo ang mga turista dahil sa malinaw na tubig at makukulay na bahura. Dito maaaring mag snorkeling, sunset viewing at mga kahanga- hanga na pawikan na malayang sumisisid sa kanilang likas na tahanan.

At para naman sa mga turista na mahilig maglakbay, matatagpuan nila ang Valencia Casaroro Falls. Napapalibutan ito ng luntiang kagubatan at matataas na bato, habang ang tubig mula sa talon ay marilag na bumabagsak. Matatagpuan dito ang sariwa at malamig na simoy ng hangin at pambihirang kagandahan ng kalikasan.

Ang Negros Oriental ay isang destinasyong karapat- dapat tuklasin, dahil bukod sa magagandang tanawin, nasa yaman din nito ang kultura, pagkakaisa ng bawat mamamayan at pagmamahal sa bayan ng walang kinikilingan, ang pagtangkilik at pagpapalawak ng ating sariling kalikasan ay nagpapatatag ng ating pagkakakilanlan.