

Munisipalidad ng San Jose at Lunsod ng Bayawan, Nasungkit ang Titulong Buglasan Festival King at Queen 2026
Oktubre 19, 2026
DUMAGUETE, Pilipinas — Ipinagmalaki ng Munisipalidad ng San Jose at Lunsod ng Bayawan ang kanilang mga kinatawan matapos masungkit ang titulong Buglasan Festival King and Queen 2026 sa isinagawang Buglasan Festival of Festivals 2026. Kinatawan ng Ayuquitan Festival ang San Jose habang Tawo-tawo Festival naman ang Bayawan City.
Nagpakitang-gilas ang mga kalahok mula sa iba’t ibang lunsod at munisipalidad ng probinsya sa kanilang mga natatanging kasuotan at pagtatanghal. Ipinamalas nila ang kanilang angking talento at kumpiyansa na naging bahagi ng makulay na kompetisyon.
Bukod sa pagkakapanalo ng dalawang kinatawan, nakamit din ng Bayawan City ang titulong Buglasan Best King Costume at Buglasan Best Queen Performer. Samantala, itinanghal naman ang Tanjay City bilang Buglasan Best Queen Costume at ang San Jose bilang Buglasan Best King Performer.