
Limang Kandidata, Nagwagi sa Gandang NegOrense 2026 Queen Size
Oktubre 19, 2026
Nagtagumpay ang limang kandidata sa isinagawang Gandang NegOrense 2026 Queen Size kung saan kinilala ang mga kinatawan ng iba’t ibang munisipalidad at lunsod sa Negros Oriental. Isinagawa ang kompetisyon noong ika-18 ng Oktubre, 2026 sa loob ng Lamberto Macias Sports and Cultural Complex.
Nakuha ng kinatawan ng Siaton ang titulong Gandang Universe habang nasungkit naman ng Zamboanguita ang Gandang World. Samantala, itinanghal na Gandang International ang kinatawan ng San Jose. Bukod sa tatlong nagwagi, nakamit din ng Tanjay ang titulong Gandang Earth habang kinilala naman ang Guihulngan City bilang Gandang Tourism.
Ipinakita ng lahat ng kalahok ang kanilang galing sa nasabing kompetisyon at nagbigay ng karangalan sa kani-kanilang bayan at lungsod. Ipinamalas din nila ang kani-kanilang talino pagdating sa pagsagot ng mga katanungan sa Q&A segment.