Duterte Muling Lumitaw sa Status Conference ng ICC

Ni: Mary Carlene F. Cuevas

Oktubre 20, 2026

Muling nagpakita si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa status conference ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands, nitong nakaraang Martes, Oktubre 13, 2026. Matatandaang nakulong si Duterte dahil sa kasong Crimes Against Humanity noong Marso ng nakaraang taon.

Nabalitaang ang kasong ito ay nagsimula noong siya ay nakaupo bilang mayor ng Davao City hanggang maging opisyal na pangulo ng Pilipinas.

Sa warrant ng ICC, nasa 19 na ispesipikong biktima ang nakalista sa Count 1 para sa Davao period (2013–2016) sa kaniyang termino bilang mayor ng Davao City.

Samantala, napapaloob naman sa Count 2 at Count 3 EJK kung saan naroon ang mga taong nasa tinatawag na ‘PRRD List’ kagaya nalang ng mga pulitiko, mayor, at iba pa na siyang sangkot sa pag gamit ng illegal na droga. Ani nila, ang layunin ng EJK ay para linisin ang mga protector ng droga na nasa gobyerno mismo.

Ang muling pagdalo ni Duterte ang nagsisilbing pangalawa niyang pagpapakita sa taong ito, kasunod ng una niyang pagdalo noong Setyembre 16, taong kasalukuyan.