
Spikers’ Turf: Player of the Week Axel Van Book inakay ang Alpha Insurance
Oktubre 20, 2026
Sa larong walang takas, matibay lang ang makaka-alpas.
MANILA, Pilipinas— walang sinayang na okasiyon si Axel Van Book at tinulungan ang Alpha Insurance na dominahin ang Savouge Spin Doctors sa iskor na 25-22, 19-25, 26-24, 22-25, 16-14 sa SM Seaside Cebu Arena nitong ika-10 ng Oktubre, taong 2026 sa Spikers’ Turf Invitational Conference. Mayroong 13,180 na bilang ng mga manonood at taga-suporta ng dalawang koponan.
Sa kabila ng nakapanlulumong bilang ng manonood, ang NCAA MVP ay nagpasiklab at ito’y nakapagbulsa ng 21 na puntos, 19 attacks at 2 blocks habang mayroong 6 excellent digs na naging daan sa Alpha Insurance sa Pagkapanalo.
Sa panayam ni Book, “Para sa akin, ito yung first time ko na ang daming nanonood talaga, ang daming nagchi-cheer. Never ko po siyang na-try dito sa Manila, sa mga tournaments. So ayun, andun ‘yung pressure at the same time need talaga namin mag-adjust”.
Sa huli, tapang at tiwala sa sarili ang nagdala kay Book upang akayin ang Alpha Insurance.