
Lupang Sinilangan, Ang siyang Pinagyayaman
Ni: Hiraya
Nobyembre 3, 2026
Ang agrikultura ay isa sa mga pinakamahalagang sektor ng ating bayan. Ito ay nagsisilbing pundasyon ng ating kabuhayan at pangunahing pinagkukunan. Mula palay, gulay prutas, isda at iba pang produktong agrikultural.
Ang sarap sa pakiramdam na ang Pilipinas ay puno ng yaman. Nasa atin na ang lahat, yamang mineral, yamang lupa, yamang tubig, ngunit batid ko na ang tunay na yaman ay nasa pusong Pilipino. Nakikita ko ito araw-araw mula sa mga matatamis na ngiti ng aking kapwa, at ang kanilang pagtutulungan para umunlad.
Kapag matatag ang sektor ng agrikultura, may sapat at abot kayang pagkain para sa mamamayan, ngunit paano natin makamit ang katatagan nito kung lugmok sa kahirapan ang ating sariling bayan? dahil lamang sa korap na pamahalaan. Itoy nilalaman ng aking isipan, nakakalungkot isipin, para bang kinikirot ang aking puso. Paano kung ang pamahalaan ay nakakapagbigay ng hindi lamang sapat kundi higit pa upang matiyak ang maayos at masaganang pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.
Habang ako’y nakaupo rito, iniisip ko ang kalagayan ng mga mamamayan na nasa sektor ng agrikultura, dugo’t pawis ang inialay nila upang mabigyan tayo ng sapat na pagkain, at para makauwi sila ng may bitibt na pasalubong para sa kanilang mga minamahal. Silay naghihirap samantalang ang mga korap ay nagbubulagbulagan, at ginagamit ang kapangyarihan sa pansariling kagustuhan. Kaya’t hinikayat ko ang bawat Pilipino na bigyang kahalagahan ang mga maggagawa sa ating agrikultura, sapagkat sila ang bumubuo sa isang maunlad na ekonomiya, at dahil sa kanilang sipag at tiyaga may naihahain tayo sa ating hapagkainan para sa ating mga pamilya. Natitiyak ako na sila ang tunay na yaman na huhubog sa siyang tunay na kaunlaran.