BCDA, ginisa ng House Panel tungkol sa Pax Silica

MAYNILA, Philippine-Hinarap ng pangulo at CEO ng Bases Conversion and Development Authority ang mga mambabatas ng oposisyon at party-list dahil sa panguwewestiyon nito tungkol sa 2027 badyet na Php 1.938 bilyon para sa panukalang proyekto na Pax Silica. Kinuwestiyon din nito ang plano para sa nasabing proyekto, pati na rin ang planong pagsasagawa ng 1,620 rktaryang advance manufacturing hub sa New Clark City.

Bukod kay Joshua Bingcang na siyang pangulo at CEO ng BCDA ay humarap din ang iba pang matataas na opisyal nitong kasamahan upang ipagtanggol at sagutin ang lahat ng panguwewestiyon ng mga mambabatas tugkol sa proyekto. Nanguwestiyon tumgkol sa proyekto si Akbayan Party-list Representative Dadah Kiram Ismula. Binanggit nito na sa loob ng ilang buwaan, wala pa palang malinaw na agreement kahit na naghard launch na ang BCDA, nagnotify na sa LGU at sa mga residente para sila ay makaalis na pero wala pa palang agreement.”

Sinagot naman ito ng legislative sponsor para sa badyet ng BCDA at Bataan District Rep. Maria Angela Garcia na ang pangunahin nilang layunin ay ang pagtataguyod ng pamumuhunan. “Sa ngayon, noyhing is final yet… wala pa po tayong reply dsiyan kasi nothing is final as of the moment.” Sabi ni Garcia.