Karahasan sa Paaralan: Kaligtasan ng mga Mag-aaral Nasa Panganib
Ni: Devine Grace Ramirez
Setyembre 26, 2026

Ang paglaganap ng masalimuot na pagyayari sa ilang mga paaralan ay ang walang-awang pagpatay ng mga kabataan sa kapwa nila mag-aaral, guro, at sa ilang mga resindente sa loob ng institusyon.
Ang edukasyon ay isang mahalagang bahagi ng ating buhay, lalo na sa mga kabataan na patuloy na hinahangad ang kanilang mga pangarap. Ngunit paano nila mapag-papatuloy ang kanilang pa-aaral kung sa loob ng silid-aralan mismo nangyayari ang mga hindi kaaya-ayang sitwasyon na labis nilang iniiwasan.
Maraming kabataan ang nawalan ng buhay, nagtamo ng mga sugat, at mga mag-aaral na takot nang pumasok sa paaralan.
Dahil sa insidente, marami ding mga magulang ang nangungulila sa kanilang mga anak na hindi lamang nawalan ng buhay kundi pangarap at kinabukasan.
Sa halip na sa loob ng paaralan pinapalawak at sinasanay ang malikhaing pag-iisip ng isang mag-aaral, napalitan ito ng takot at pagka-balisa na nakakasira sa kinabukasan ng mga kabataan.
Mahalagang pagtuonan natin ng pansin ang ating mga mag-aaral at ating mga anak sa kanilang pag-aaral upang magabayan natin sila at maiwasan ang mga bayolenteng mga gawain.
