Pilipinas Pagkaraan ng Sampung Taon: Sa Mukha ng Bagong Panahon
Ni: Carlene Kate Manaban
Setyembre 26, 2026

Isang sulyap sa Pilipinas na maaaring mabuo sa gitna ng teknolohiya, pagbabago, at bagong mukha ng ekonomiya.
Isang umaga, sampung taon mula ngayon, gigising ang isang batang Pilipino sa tunog ng notification mula sa kaniyang cellphone. Sa halip na pumila sa bangko, ilang pindot lamang ang kailangan upang magbayad ng kuryente. Ang kaniyang klase ay maaaring nasa isang silid-aralan, ngunit ang ilan sa kaniyang mga kaklase ay nasa ibang probinsya. Samantala, ang kaniyang magulang ay nagtatrabaho para sa isang kumpanyang maaaring nasa ibang bansa—ngunit ang trabaho ay ginagawa mula mismo sa kanilang tahanan.
Hindi ito eksena mula sa isang pelikulang science fiction. Ito ay isang posibleng larawan ng Pilipinas sa hinaharap.
Sa loob ng sampung taon, maaaring magbago hindi lamang ang hitsura ng mga lungsod at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino, kundi pati na rin ang paraan ng pagtatrabaho, pagnenegosyo, at pakikipagkalakalan.

Ekonomiya ng Pilipinas Pagkaraan ng Sampung Taon: Tungo sa Mas Makabagong Pamilihan