
McDonald’s Tanjay City Branch, sinimulan ang paghahanap ng mga aplikante
Setyembre 28, 2026
TANJAY, Pilipinas-Opisyal na inanunsyo ni Hon. Mayor Jose “Pepe” T. Orlino sa kaniyang facebook post ang kanilang paghahanap ng mga aplikante upang maging service crew sa sa itinatayong McDonald’s Branch sa lungsod ng Tanjay. Sa post ng Mayor, binanggit nito na ang job hiring ay magaganap sa ika-29 ng Agosto, 2026 sa bagong gawa na government center ng Tanjay Ciity.
Nitong dumaan na Agosto 17, 2026 ay inanunsyo ni Mayor Pepe ang kanilang pagtitipon-tipon kasam ang McDonald’s Tanjay Team at ang kanilang General Manager na si Eve Bantilan. Ani ng mayor, pinakiusapan niya umano ang nasabing team na kung maari ay gawing prayoridad ang mga aplikante na nagmumula sa lungsod ng Tanjay upang mas maraming oportunidad ang maibibigay sa mga Tanjayanon.
Nabanggit rin niya na ang pakikiusap niyang iyon ay para rin makatanggap ng suporta ang mga tao sa kanilang paghahanap ng trabaho. Aniya, bukod sa aplikante na nakatira sa Tanjay, malugod ding tatanggapin ang iba pang aplikante na ninanaais maging bahagi ng McDonald’s Tanjay crew.
Sa pinaka huling bahagi ng kaniyang post, labis siyang nagpapasalamat kay Bantilan at ng buong team sa kanilang kooperasyon sa lungsod ng Tanjay.