Boses ng Mamamayan: Pag unlad ng Karapatan at Kalayaan

Ni: Devine Grace Ramirez

Setyembre 28, 2026

Sa panahon kung saan napapalibutan ang bayan ng mga isyu sa pamahalaan, nawawalan na ng saysay ang salita ng mga mamamayan. Sa bawat problema na kanilang hinaharap nawawalan sila ng boses na dapat sana ay daan upang paglabanan ang kanilang karapatan bilang mamamayang pilipino, maraming pilipino ang nawawalan ng kalayaan na ilahad o ibahagi ang kanilang opinyon o nararamdaman.

Ang tanong ng marami— sapat na nga ba ang manahimik sa kabila ng mga isyu ngayon?

Milyon- milyong mga pilipino ang pumiling manahimik sa gitna ng mga problema, maraming takot magsalita maraming naimpluwensyahan ng salapi at maraming mga nais bumoses ngunit hindi pinakinggan. Kailan nga ba natin makakamit ang kalayaan na ibigay ang ating mga saloobin sa mga sitwasyon?

Ang kalayaang magsalita ay hindi lamanh ginagamit upang bigyang pansin ang mga pangkalahatang isyu. Ang pagkakaroon ng kalayaan na magsalita ay paraan din upang maipagtanggol natin ang ating sarili sa pang aapi at diskriminasyon galing sa ibang tao. Hindi sa lahat ng panahon kailangan nating manahimik dapat din nating bigyang halaga ang ating mga karapatan bilang mamamayang pilipino. Ngunit sa pagpapahayag ng ating damdamin, mahalagang ingatan natin ang ating nga salitang gagamitin at maging responsable upang maiwasan natin ang makasakit sa kapwa