
Guro bilang bayani: Gabay sa landas ng Kinabukasan
Setyembre 28, 2026
Sa mundong mabilis magbago dahil sa kapangyarihan ng teknolohiya at makabagong kaalaman, nananatiling mahalaga ang papel ng mga guro sa paghubog ng Kabataan, sapagkat hindi lamang sila nagtuturo, ngunit sila ay nagsisilbing tulay sa abot ng pangarap.
Nasa kanila nakasalalay ang pagkatao ng Kabataang Pilipino hindi lamang sa akademikong pag-ganap, kundi rin sa kung paano natin maipapahayag ang ating sarili na hadlang ang dignidad, moralidad at prinsipyo, lalo na sa kakayahan ng pagpapanatili ng Magandang saloobin at mabuting isipan.
Sa pagiging guro nagsimula ang mga pangarap na nagtataguyod sa ating bayan, maging ang pagiging Doktor, Nars, Inhenyero at higit pa. Hindi madali ang magiging isang guro sa makabagong panahon, kinakailangan nila na patuloy pa na matuto at iniisa nilang hinaharap at tinutulungan ang pangangailangan ng kanilang mag- aaral, patuloy silang nagsusumikap dahil batid nila na ang mga batang kanilang tinuturuan ay may kakayahang maging bahagi sa pag-unlad ng ating bayan.
Ang guro ay higit pa sa isang tagapagturo, sila ay bumubuo ng mga batang nangangarap, sila ay tagapagtanim ng pag-asa at sila ay nagsisilbing tahanan na kusang gumagabay at sumusuporta sa Kabataan. Maaaring magbago ang pamamaraan ng edukasyon dahil sa teknolohiya at makabagong panahon, ngunit ang malasakit, dedikasyon kaalaman at sakripisyo ng isang guro ay mananatiling mahalagang bahagi sa pagkatuto.

Kabuhayan at Kaunlaran: Ang siyang lakas ng Bayan
Setyembre 28, 2026
Magpatuloy…