
Indonesia nilampaso ang South Korea sa Men’s Doubles Badminton
Setyembre 28, 2026
Namayani ang Indonesian Olympians na Sina Leo Rolly Carnandor at Daniel Mathin sa Mens Doubles Badminton Semifinal sa iskor na 21-11, 21-14 sa Asian Games 2026 na ginanap sa Aichi-Nagoya Japan nitong ika-28 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Sa una palang, nagpakitang gilas na kaagad ang dalawang manlalaro at ginulantang ang katunggaling 8-2.
Bumanat naman at bumawi sina Kim Won at Seo Seung Jae, ngunit sinelyuhan ng tambalang Marthin at Carnado ang depensa ni Seo at Won Ho, kaya nanalo si Marthin at Carnado sa unang laban, 21-11.
Walang kaawa-awang hinagupit ng tambalang Marthin atg Carnado ng mga malalakas na smash kaya natameme ang kanilang katunggali, 0-6.
Pilit namang magpakitang lakas ang tambalang Seo st Won Ho, ngunit ayaw magpatinag si Marthin at Carnador, 21-14.