
Tanjay City Mayor, napabilang sa Top Performing Mayors na pinatunayan ang pagiging magaling na lider.
Setyembre 28, 2026
Napabilang sa Top Performing Mayors ng taong 2026 ang mayor ng lungsod ng Tanjay na si Hon. Mayor Jose “Pepe” T. Orlino. Si Mayor Orlino ay napabilang sa ika-apat na ranko ng top performing mayors sa buong Negros Oriental. Ayon sa post ng Transparency, Good Governance and Accountability Advocates, siya ay nakakuha ng 91.50% na siyang naging rason kung bakit napasama siya sa Top 4, patunay na siya ay nagpapakita ng kagandahang serbisyo sa kanoyang lungsod.
Inanunsyo na ang Top Performing Mayors of Negros Oriental para sa unang quarter, Enero hanggang Marso, ng taong 2026. Ayon sa kanilang post, hindi popularidad ang basehan ng pag ranko ng mga mayor, kung hindi ay ang kanilang kredibilidad. Kabilang sa mga kredibilidad na ito ay ang kanilang kagalingan sa pagiging lider, kagalingan sa public safety & order, health & social services, transparency, accountability, edukasyon, at marami pang iba. Lahat ng iyan ay napatunayan at nagawa ni Mayor Orlino kung kaya’t siya ay nagkaroon ng 91.50% na marka.
Ayon sa post ng Transparency, Good Governance and Accountability Advocates, “Ang Governance and Participation Index nagpamatuod nga ang maayong mayor dili lang sikat—siya ang mayor nga naa sa ground.” Sabi pa sa post, “Leadership + accountability + people’s participation = tinuod nga pag-uswag sa matag lungsod ug syudad sa Negros Oriental”