Opening Salvo sa Lunsod ng mga Propesyonal, sinimulan na

Ni: Mary Carlene F. Cuevas

Setyembre 29, 2026

TANJAY, Pilipinas-Opisyal ng binuksan ang pinakaaabangang opening salvo Tanjay City noong Hukyo 1, 2026 sa Rizal Park ng lunsod. Ang masayang kaganapang iyan ay sinimulan ng presentasyon ng mga kandidata sa Miss Tanjay at Little Mr. and Ms. Tanjay, na sinundan naman ng fireworks display, at tinaps sa pagtugtog ng bandang Wilfreedo. Ang kaganapan sa araw na iyan ay pinamunuan ng chairman na si Atty. Jan Claude Diao at co-chairman na si Mr. Dean Marc Lozano.

Masayang nairaos ang opening salvo sa Tanjay City lalo na’t pinangunahan ito ng presentasyon ng mga kandidata para sa Miss Tanjay at Little Mr. at Ms. Tanjay . Ipinamalas nila ang kanilang galing sa pagpapakilala at pagrampa. Nang araw ding iyon ay nasaksihan ng bawat manonood ang kakaiba at iba’t ibang ganda nnng bawat Tanjayanon.

Matapos ang presentasyong naganap, sumunod na ipinakita ang fireworks display na siyang pinakahihintay, hindi lamang ng mga bata, kundi pati na rin ng mga matatanda. Pagkatapos nito ay saka na tumugtog ang bandang Wilfreedo.

Bukod sa mga nabanggit na kaganapan, nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang Tanjay City Dancesport Team, Tanjay City Dance Community, at Legislated Full Force Dance Crew.