Piso’y Humihina, Pilipino’y Hinihila
Setyembre 29, 2026
Sa kabila ng mga kinakaharap na mga problema ng bansa, nadugtungan pa ito ng labis na paghina ng halaga ng piso, at mas bumaba pa ang halaga nito kumpara sa mga nakaraang mga dekada. Bukod pa rito, maraming mga mamamayang Pilipino ang higit na naaapektohan sa krisis na ito.
Sa panahon ngayon, ang tanging hangad ng karamihan ay ang magkaroon ng mapayapang pamumuhay— ngunit paano kaya natin ito makakamit kung matuloy na napapatong-patong ang mga problema sa ekonomiya?
Dahil sa pagbasak ng piso labis na namomroblema ang mga mamamayan sa krisis ng ekonomiya. Nagsara ang palitan ng piso kontra dolyar sa Php 62.545 kada US dollar nitong Setyembre 2026 ayon sa Bankers Association of the Philippines.
Sa kabilang banda, lubhang apektado naman ang mga konsyumer at mga negosyante sa bansa dahil mas lalo pang tataas ang mga presyo ng mga bilihin at mga imported na produkto galing sa ibang bansa.
Ang pagbaba ng halaga ng piso ay dulot ng labis na pagdami ng mga iniaangkat na produkto kaysa sa mga binebentang produkto sa labas ng bansa. Dulot din ito sa implasyon a t mga krisis katulad nalang ng gulo sa Middle East at iba pang isyu na nagpapalakas ng halaga ng dolyar. Kaya’t mainam na ating bigyang halaga ang ating mga produkto at umiwas sa mga gawain na maaaring magdulot ng krisis sa bansa.