
Init sa Kapaligiran, Tirik ng Kakulangan

Nobyembre 13, 2026
Sa bawat hakbang na tinatahak ng mga mag-aaral, pagpatak ng pawis at pagbuga ng mainit na hangin ang tila araw-araw nilang dinadala. Ang paaralang dapat sana’y magsilbing sandigan sa pagkamalikhain, ngayo’y umaapaw sa nakasusunog na tirik ng suliranin. Paano maipapamalas ang tunay na talento at kakayahan ng mga Pilipinong mag-aaral kung patuloy na sumasabay sa kanilang edukasyon and lubhang pagtaas ng temperature sa bansa? Sa halip na libro at lapis ang hawak-hawak ng mga estudyante, tila ang tanging nakadikit na lamang sa kanilang mga palad ay isang mini fan na sumasalba sa kanilang naghihingalong katawan. Ayon Social Weather Station (SWS), hindi lamang ang mga mag-aaral ang lubhang apektado sa lantarang pagtaas ng temperature sa bansa, Kundi ang mga gurong nagsusumikap na maibahagi ang kanilang mga makabuluhang natututuhan.
Milyon-milyong mga guro ang unti-unting nawawalan ng kakayahan na magbahagi ng leksyon dulot ng nakahihilong awra sa kapaligiran. Maraming pagkakataon na higit sa isa ang mga estudyanteng nawawalan ng malay sa gitna na talakayan dahil matinding inita na nadarama. Sa halip na mag-aral, tila ang nakatatak na lamang sa kanilang mga isipan ay ang pagnanais na umuwi ng maaga at humiga sa kamang may malamig na hanging ibinububuga.
Bukod dito, isa rin sa nagpapaangat ng suliranin na ito ang kakulangan sa mga bentilador at akses sa tubig inumin na may malaking parte sa pang-araw-araw na pag-aaral ng mga estusyante. Ngunit sa halip na hanapan ng solusyon, tila paulit-ulit na suspensyon na lamang ang itinatakda.
Samakatuwid, hindi sapat ang suspensyon ng klase upang mapanatili ang ligtas na kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro. Kinakailangan rin nila ng maayos at makabuluhang kagamitan. Kaya’t nararapat lamang na magkaroon sila ng sapat na akses sa silid-aralang walang kakulangan sa pangangailangan.
Sa huli, ang init ng panahon ay hindi makakasira sa eduksyon kung may sapat na solusyon. Sapagkat ang tirik ng araw ay maaaring maging hadlang sa lakad ng pag-aaral, ngunit hindi kailanman sisira sa determinasyon at pangarap na hawak-hawak ng iilan.

Balde sa El Niño: Kawalan ng Pangako

Nobyembre 13, 2026