
Balde sa El Niño: Kawalan ng Pangako

Nobyembre 13, 2026
Isa sa mga suliraning aking kinakaharap ang tagtuyot na tila unti-unting humihigop sa pag-asa kong makapagtapos ng pag-aaral. Ang kalsada sa amin na dati ay puno ng mga kabataang masayang naglalaro, ngayon ay tahimik at payapang tumutuyo. Kahit ilang bentilador ang nakatayo, matinding init parin ang dumadayo. Tila kahit ako’y nakaupo lamang, patuloy parin ang pagpatak ng pawis sa aking bawat paghinga.
Ang patuloy na pagdami ng suliranin sa bansa, tila patuloy na dumadagdag ang suliranin sa tagtuyot. Patuloy na tumataas ng temperature na tila walang katapusang bumabagabag sa bawat mamamayan. Ngunit paano lilitaw ang solusyon kung ang mismong susi sa pagbabago ay unti-unting kinakalawang sa palad ng gobyerno? Ibinahagi ng pamahalaan ang kanilang solusyon sa lubhang pagtaas ng temperatura sa bansa. Ngunit ang kanilang solusyon ay balde-baldehan na tila biru-biruan.
Ang mga mamamayang dapat sana’y nakatuon sa paghahanap-buhay, ngayon ay nakalaan na lamang sa paghahanap ng solusyon sa matinding init na hinaharap. Maraming mga kabataan ang nawawalan ng gana na pumasok sa paaralan dulot ng nakapapasong kapaligiran. Kaya’t tila araw-araw na sinususpende ang klase na unti-unting humihila sa mga leksyong natutuhan ng bawat mag-aaral.
Sa halip na hanapan ng mabisang solusyon and krisis sa tagtuyot, tila ginagawa na lamang biro ng mga nakaupo sa pamahalaan ang suliraning nagdududlot ng malaking sugat sa balikat ng iilan. Ang palayan na dapat sana’y sandigan sa produksyon ng pangangailangan, ngayon ay lubak-lubak at puno na lantang palay na lamang.
Nararapat na panagutan ng pamahalaan ang katiawaliang ipinapakita nila sa mga mamamayan. Hindi sapat ang balde upang matugunan ang solusyong kinakailangan ng iilan. Nararapat na magkaroon ng sapat na pamamahala at responsableng pangangalaga. Sapagkat ang solusyon sa pagbabago ay hindi nag mumula sa natural na pag-iba ng panahon, kundi sa pagkakaisa at patutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan.

Labanan ng Panahon sa Pamilyang Umaahon

Nobyembre 13, 2026