Pickleballers, Pinaiyak sa Lona ang Team Tanjay sa Kanilang Exhibition na Laban sa Pickleball Men’s Doubles, 3-1

Nobyembre 13, 2026

Sa larong hanggang wakas, matibay lang ang s’yang makaka-alpas.

BRGY. 6 ILAUD, Tanjay City- Ginulantang ng koponang Pickleballer na sina Vince Casama at Curt Saguran ang kanilang katunggaling koponan na Team Tanjay na sina Jerome Vargas at Audie Mari B. Agir sa kanilang Exhibition na laban sa Pickleball Men’s Doubles sa iskor na 11-7, 11-8, 8-11, at 11-3 na ginanap sa A1 covered pickleball court nitong ika-13 ng Nobyembre, taong 2026, Biyernes.

Pinaulanan ng Pickleballer ng mga malalakas at makapanindig balahibong smash ang koponang Team Tanjay, dahilan sa pagkalupaypay at pagkatameme ng kanilang katunggali, 3-1.

Sa unang round, parehong nagpakita ng bagsik ang dalawang koponan, ngunit hindi nagpatinag ang tambalang Vince at Curt kay sila’y nakalamang, 1-0-1.

Patuloy na nanghimagsik ng mga rumaragasa at mala-kidlat na smash ang koponang Pickleballers, 10-6-2.

Habang nag-iinit ang laban pilit na kumawala ng koponang Team Tanjay, ngunit mas hinigpitan ng Pickleballers ang kanilang opensa at depensa, 11-7-2.

Sa pangalawang round, mas-uminit ang labanan ng dalawang koponan parehong nagpakita ng kakaibang estratehiya ang dalawa, 5-4-1.

Walang kahirap-hirap na nilugmok at sinupalpal ng koponang Pickleballers, kaya nakuha nila ang pangalawang round, 11-8-2.

Sa pangatlong round, kumawala ang koponang Team Tanjay sa mga opensang makamandag ng Team Tanjay, nakabawi ito at naghari sa korte, 8-11-1.

Sa huling round, ginawang playground ang korte ng koponang Pickleballers at palaging nilalamona ng mga malalakas na smash ng kanilang katunggali, 6-1-2.

Mula sa dink shots at valley hindi nagpatalo ang Pickleballers na sina Vince Casama at Curt Saguran at pinaluhod nila ang Team Tanjay kaya nagwagi at nakuha nito ang kapanalonan, 3-11-2.

Komunikasyon at determinasyon ang ipinakita ng tambalang Casama at Saguran kaya nakamit nila ang matamis na minimithi.

Sa panayam ni Vince, “Kapoy pero maka enjoy jud ang dula namo, basta naarajoy communication ma-apply rajud ninyu ang inyung mga techniques.”

Ayon naman kay Curt, “Nag-communicate rajud mi and practice maong nakadaug mi”.

Team Tanjay (1) | 7 | 8 | 11 | 3 |

Pickleballers (3) | 11 | 11 | 8 | 11 |

Gamot sa Raketa, Kalusugang Humihina

Nobyembre 13, 2026

Sa bawat laro, nangangailangan ito ng lakas, bilis, at higit sa lahat, patas na laban. Sa patuloy na pagdami ng mga palakasan sa mundo ng…

Magpatuloy sa Pagbasa…