
RESPONSABLENG PINUNO: Daan sa mapayapang Bayan
Setyembre 29, 2026
Ang ‘Bagong Pilipinas’ ay isang panawagan para sa pagbabago at pag- uunlad ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ipinatupad ito upang mas lalo pang palakasin ang pag unlad ng ekonomiya, mga imprastraktura, at iba pa pang maaaring magpapabuti sa sitwasyon ng bansa. Ngunit ang tanong ng marami – natupad ng aba ang mga pangakong pagbabago at pag-unlad?
Sa kabila ng mga problemang hinaharap natin ngayon – mula sa komunidad, kurapsyon, at mga isyung panlipunan, mas nakikita natin na mas lumala ang mga problemang dapat nating lampasan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Dahil sa matinding kurapsyon, tila patong-patong na ang mga krisis na pinagdadaanan ng mga mamamayang Pilipino.kaya’t importante ang pag boto ng maayos na lider sa panahon ng halalan upang mapanatili ang kapayapaan at maayos na katayuan ng bansang Pilipinas.