LIGTAS NA ESPASYO, KAPAKANAN NG PUBLIKO

Ni: Devine Grace Ramirez

Sa mundong napapalibutan ng karanasan at diskriminasyon,  mahusay ang ideyang magpatayo ng  banyo para sa ano mang kasarian, upang maipamalas ng mga indibidwal, lalo na sa mamamayang kasapi sa LGBTQ, ngunit ligtas nga bang lumikha ng isang bany na kayang ma- akses ng kahit sino?

Sa panahon na ito, nalaganap na ang mga karahasan sa ibat ibang panig ng mundo.  Maraming diskusyon ang naglalabasan ng maraming mga krimen ang nangyayari sa mga normal na pampublikong palikuran, paano pa kaya kapag pagsasamahin ang ibat ibang kasarian? Kapag ang isang babae ay inosenteng pumasok sa banyong para sa lahat maaari syang sundin ng isang lalake ng walang nakakahalata o nag iisip ng malisya dahil likas na sa kanila ang pumasok sa iisang palikuran.

Bukod pa sa karahasan maaari ding makabuo ng diskriminasyon sa mga taong kasapi ng LGBTQ.

Maaring makakatanggap sila ng mga masasakit na komento galing sa mga taong kanilang makakasalubong sa palikuran. Gayunpaman, mas mainam na panatiliin ang magkahiwalay na palikuran upang manatili ang mas ligtas at mapayapang kapaligiran.