Libreng Martrikula: Hanggang Saan ang Makakaya

Ni: Guhit Diwa

Nobyembre 5, 2026

Ang edukasyon ay isang mahalagang sektor ng ating buhay, ito ay kumakatawang haligi na humuhubog sa kakayahan, talent, at kaalaman ng mga mag-aaral. Ngunit ang edukasyong dapat sana’y sandigan ng pagkamalikhain, ngayo’y tadtad na ng problema’t gastusin. Kailan pa kaya malayang makakapag-aral ang mga kabataan ng walang iniindang bayarin? Itinadhana ang Artikulo XIV, Seksyon 2(2) ng Konstitusyon ng Pilipinas na naglalayong patatagin at panatilihin ang sistema ng libre at pampublikong edukasyon.

Ngunit hindi sapat ang libreng edukasyon kung sandamakmak na gastusin pa rin ang kailangan nilang harapin, mula sa pamasahe, kagamitan, at hanggang sa mga proyektong kailangang bayaran. Bukod sa mga mag-aaral , lubos na apektado rin ang mga magulang na nagsusumikap upang matugunan ang mga akademikong pangangailangan ng kanilang mga anak.

Samakatuwid, nararapat lamang na mabigyan ng sapat na Karapatan ang mga mag-aaral sa libreng edukasyon. Sapagkat ang pondong inilaan ng sambayanang Pilipino ay hindi pagmamay-ari ng mga buwayang nakaupo sa posisyon at trono.

Hindi sapat ang tulong pinansyal para sa mga estudyante, kinakailangan din nila ng sapat na pasilidad, de- kalidad na pagtuturo mula sa mga guro, at wastong programang oang-akademiko. Ang ponding nagmumula sa buwis ng mga mamamayan ay dapat na naibubuhos sa pampublikong pangangailangan na kaakibat sa pag-unlad ng paaralan at ng bayan.

Sa huli, ang edukasyon ay hindi nasusukat sa kung gaano ka laki ang perang naipundar sap ag aaral. Sa halip, dito natitimbang ang kahusayan, katalinuhan, at pagka- madisiplina ng isang mag-aaral. Nararapat maipamalas ang pantay-pantay na Karapatan sa edukasyon sapagkat ang mga Kabataang edukado  ay ang sus isa pag- unlad ng bayan.

Ni: Guhit Diwa

Nobyembre 5, 2026

Sa makabagong panahon, talamak na ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa anumang uri ng Gawain. Mula sa pananaliksik ng impormasyon, pagbuo ng mga imahe, at paggawa ng mga presentasyon. Ito’y isang uri ng…

Magpatuloy sa Pagbasa…