Kaalaman ng Enerhiya, Kinabukasa’y Hinihila
Nobyembre 5, 2026
Sa makabagong panahon, talamak na ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa anumang uri ng Gawain. Mula sa pananaliksik ng impormasyon, pagbuo ng mga imahe, at paggawa ng mga presentasyon. Ito’y isang uri ng teknolohiya na may malaking pakinabang sa pagpapabilils sa takbo ng kahit anong aktibidad. Ngunit paano kung ang teknolohiyang ito ay unti-unting humihigop sa natural na kakayahang tinataglay ng isang mag-aaral? Ang paggamit ng isang estudyante ng AI sa oras ng pasulit ay hindi lamang nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili, ito rin ay malaking insult para sa mga gurong inialay ang kanilang dugo’t pawis na maibahagi ang kanilang mga natutuhan.
Ang tuluyang pag-asa sa AI sa pagsagot at paglutas ng sariling tungkulin ay nagpapakita ng pagpapaubaya sa sariling kahusayan at kakayahan. Hindi lamang ang lakas ng loob ng isang mag-aaral ang nawawala, kundi pati narin ang pagnanais nilang matuto na naghuhulma sa kanila na maging malikhain at talentado.
Nararapat lamang pagbawalan at limitahan ang paggamit ng AI lalo na sa panahon ng mga gawaing pampaaralan, isang estudyante. Sa pamamagitan din nito, mas maibabahi din ng mga mag-aaral ang kanilang sariling ideya at makatotohanang gawa.
Sa modernong panahon, hindi na natin maiiawasan ang paggamit ng artipisyal na intelilhensiya sa pang-araw-araw na gawain. Kaya’t ang epektibong solusyon lamang ay panatilihin ang responsible at wastong paggamit nito. Maari ding turuan ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral sa wastong paggamit sa kapangyarihang taglay ng AI ng hindi ito inaabuso.
Sa huli, ang totoong intelihensiya ay nagmmula sa mga kabataang walang sawang nagapapakita ng pagsisikap at katpatan sap ag-aaral, at hind isa teknolohiyang gawa sa bakal at enerhiya.
Nobyembre 5, 2026
Magpatuloy sa Pagbasa…