
Oktubre 1, 2026
Tahanan, ay nasa pamilya. Dito unang naisapuso ng mga kabataan ang pagmamahal, paggalang disiplina at pananagutan. Marami pa ring nagaganap na hindi planadong pagbubuntis sa hanay ng mga kabataan sa Pilipinas, na para bang karaniwang nilalang lamang ang inaalagaan. Ngunit hindi— ang kanilang inihahandog sa mundong ito ay buhay. Isang taong may sariling ninanais, sariling pangarap, talento, kakayahan at kaalaman. Mga kabataang may mga malalaking pangarap at pambihirang kakayahan, subalit hindi nila lubos na naipamalas ang kanilang potensiyal dahil sa kakulangan ng pagkakataon. Maaaring sila ay isinilang sa isang mapang abusong pamilya, mga pamilyang hindi handa, at pamilyang lugmok sa kahirapan. Kaya naman mahalagang tiyakin natin ang nararapat na panahon sa pagbuo ng isang pamilya. Higit sa lahat, mahalaga rin na ang taong makakasama natin sa panghabang-buhay ay siyang tunay, at handang gampanan ang marangal ngunit mabigat na tungkulin bilang isang ama at ina. Dahil batid ko na ang pagbuo ng isang pamilya ay hindi lamang nasusukat sa pagkakaroon ng mga anak, ito ay patungkol sa pagbuo ng tahanang may pagmamahal, seguridad at wastong pag- gabay sa mga anak.