Sino ang Tunay na may Husay?

Nobyembre 13, 2026

Teknolohiya, Sosyal medya, AI. Sa mundong isinilang ang mga kabataan sa panahong makapangyarihan ang AI, hindi naiiwasan na kalimutan ang sariling paninindigan. Tila ito lamang ang inaasahan ng bawa’t mamamayan. Paano natin mabigyang kahalagahan ang ating sariling isipan kung patuloy nating ipairal ang pagdedepende sa maaaring lason na siyang bubura sa ating kakayahan.

Ang mga kabataan ay napupuno ng kaalaman dahil nahuhubog ng Ai ang kanilang isipan.

Ito’y parang salamin lamang. Habang pagmamasdan natin ang salaming ito makikita natin ang isang mundo na perpekto. Ngunit lagi nating tatandaan na ang kahusayan ay nakakamit sa puso na puno ng paninindigan, moralidad, at katapatan.Natityak ako na hinding-hindi mapapalitan ng Ai ang mga kamay na marunong makiramay at nagbibigay pagmamalasakit sa kanyang kapwa. Siyang tunay na mahusay at hinding hindi man papantay sa AI.

Sarili at Negosyo Laban sa Bayan at Kalayaan

Nobyembre 13, 2026

Isang salitang may katumbas na tuldok. Ngunit napupuno ng katanungan sa mga mamamayang marupok…

Magpatuloy sa Pagbasa…