Sarili at Negosyo laban sa Bayan at Kalayaan

Nobyembre 13, 2026

Pangangamba. Pangungulila. Pag-Asa.

Hanggat marami ang lugmok sa kahirapan at ang hustisya ay para lang sa mayaman…

Isang salitang may katumbas na tuldok. Ngunit napupuno ng katanungan sa mga mamamayang marupok. Para saan nga ba tayo bumabangon? Para sa sarili? Para sa pamilya? O para sa mga buwaya na patuloy na gumagambala? Kay daming tanong ang naibsan dahil pinapalitan ng katahimikan.

Sa libu- libong taon na lumipas sa ating bayan na siyang tinatawag na tahanan, nasaan ang kalayaan? Batid ko na mas madali pang pag-abutin ang langit at ang lupa kaysa sa mga namamahala na mas pinipili ang sariling kagustuhan at kapangyarihan. Napaka- daling bigkasin na ang Pilipinas ay puno ng yaman. Yamang tubig, yamang lupa, yamang mineral at higit sa lahat ang yaman na nasa puso ng bawat Pilipino. Nakakabalisa na ang potensyal na sana’y higit pang uunlad ang sariling atin, ngunit napipigilan dahil sa korap na pamahalaan,

na nagdudulot ng kapahamakan sa makabagong kinabukasan.

Sa dinami-rami na  tanong na patuloy na kumakain sa ating isipan, na tila isang sampal sa karamihan, paano  natin maiiral ang maunlad at masaganang pamumuhay kung mananatili ito? Sapagkat ang tanging hiling lamang natin ay ang makamit ang kalayaan ng ating bayan. Kaya’t hinihikayat ko ang bawat isa, na sa kabila ng mga kapangyarihan at temptasyon na umiiral sa sangkatauhan, huwag natin kalimutan na piliin ang kalayaan ng ating bayan.

Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, di matatapos itong gulo.

Parol sa gitna ng kawalan: Paskong di kayang agasin ang dagok ng krisis

Nobyembre 13, 2026

Tatlong pirasong pandesal, Isang Pitsel ng tubig. Maliit na parol na nakasabit sa bintana.Iyong lamang ang pinaghahandaan ng pamilya Dela Cruz…

Magpatuloy sa Pagbasa…