
ANG DALUYAN
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG TINTANG ASUL-SETYEMBRE 22


BALITA




EDITORYAL



ISPORTS




LATHALAIN



MULTIMEDIA

MANILA, Pilipinas— Hinarap ng pangulo at CEO ng Bases Conversion and Development Authority ang mga mambabatas ng oposisyon at party-list dahil sa panguwewestiyon nito tungkol sa 2027 badyet na Php 1.938 bilyon para sa panukalang proyekto na Pax Silica. Kinuwestiyon din nito ang plano para sa nasabing proyekto, pati na rin ang planong pagsasagawa ng 1,620 rktaryang advance manufacturing hub sa New Clark City.
Bukod kay Joshua Bingcang na siyang pangulo at CEO ng BCDA ay humarap din ang iba pang matataas na opisyal nitong kasamahan upang ipagtanggol at sagutin ang lahat ng panguwewestiyon ng mga mambabatas tugkol sa proyekto. Nanguwestiyon tumgkol sa proyekto si Akbayan Party-list Representative Dadah Kiram Ismula. Binanggit nito na sa loob ng ilang buwaan, wala pa palang malinaw na agreement kahit na naghard launch na ang BCDA, nagnotify na sa LGU at sa mga residente para sila ay makaalis na pero wala pa palang agreement.”
Sinagot naman ito ng legislative sponsor para sa badyet ng BCDA at Bataan District Rep. Maria Angela Garcia na ang pangunahin nilang layunin ay ang pagtataguyod ng pamumuhunan. “Sa ngayon, noyhing is final yet… wala pa po tayong reply dsiyan kasi nothing is final as of the moment.” Sabi ni Garcia.



Ni: Mary Carlene F. Cuevas
Lumabas sa nakaraang imbestigasyon at dokumento ng gobyerno na ang nangungunang kontraktor ng flood-control na kilala rin bilang kontraktor na mayroong maanomalyang mga proyekto. Ipinatawag ang nasabing kontraktor na ito ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Jonathan Andal, isang saksi, na ipinatawag ng NBI si Juby Blancaver-Cordon upang humarap sa kanilang tanggapan. Humingi sila kay Cordon ng mga dokumento na naglalaman umano ng tungkol sa mga maanomalyang proyekto nito, lalo na ang mga proyekto na nasa distrito ng kongreso ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte.
Samantala, nais ng Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na ang lahat ng regional directors na tumulong sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas na nag-iimbestiga tungkol sa mga proyekto.
“Makikipagtulungan kami sa lahat ng aming mga ahensya ng pagpapatupad ng batas sa anumang patuloy o bagong imbestigasyon… buong kooperasyon mula sa lahat ng mga tauhan ng DPWH,” pahayag ni Dizon.


Ni: Mary Carlene F. Cuevas
Bumalot sa Metro Cebu ang makapal na haze mula sa mga forest fire sa Kalimantan, Indonesia, nitong Setyembre 20, 2026, na nagdulot ng paglala ng kalidad ng hangin sa lugar.
Ayon sa Environmental Management Bureau (EMB) Region 7, umabot sa 286 ang Air Quality Index (AQI) sa Metro Cebu bandang alas-4 ng madaling araw, na kabilang sa kategoryang “Acutely Unhealthy.” Umabot naman sa 296 ang naitalang pinakamataas na AQI bandang ala-1 ng madaling araw.
Bukod sa Metro Cebu, naapektuhan din ng haze ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang usok mula sa mga sunog sa Indonesia ay tinangay ng hanging patungo sa Pilipinas.
Dahil sa kondisyon ng hangin, pinayuhan ang publiko na bawasan ang hindi kinakailangang paglabas at regular na tingnan ang mga opisyal na abiso tungkol sa kalidad ng hangin.
Leave a comment