Vietnam Umaalingawngaw sa PPL Visayas Open 2026,2-0
Nobyembre 5, 2026
Opensang malakas, sa korte di-aatras.
Walang kaawa-awang pinaluhod ng tambalang Ly Nam at Jolie Lam ang koponang Pilipinas na sina Johnny Arcilla at Pat Raymundo sa kanilang laban sa PPL Visayas Open 2026 Championship sa kategoryang mixed doubles sa iskor na 10-8 at 10-3 na ginanap sa PlayPro Active Sports (PAC) sa Sibulan, Negros Oriental nitong ika-15 ng Agosto, taong 2026.
Sa unang laban, humataw kaagad ang koponang Vietnam at nagpamalas ito ng mga malalakas na atake dahilan kaya sila’y nakapagpuntos ng dalawang magkasunod. Sinubukang bumawi ng koponang Pilipinas, ngunit patuloy silang hinagupit ng mga rumaragasang opensa. Nagpursige ang koponang Pilipinas at nagsumikap na lamangan ang Vietnam, ngunit matinag ang depensa at nagpasabog ng puntos ang koponang Vietnam. Sumalpok ang opensa ng Pilipinas at sinelyuhan ang kanilang depensa kaya wala ng sinayang na pagkakataon ang Vietnam na sina ly Nam at Jolie Lam at agad na nitong tinapos ang unang laban.
Sa pangalawang laban, kinontrol na ang tempo ng laro ng Vietnam at ginawang playground ang court. Sinagad ang bawat minuto at at di hinayaang makabawi ang koponang Pilipinas.
Sa huli, nagwagi ang koponang Vietnam at nasungkit ang unang gantimpala sa nasabing kompetisyon.
Bagong Libangan, Hinding-hindi Aayawan
Nobyembre 5, 2026