Ni: Iskor-Kuwento

Nobyembre 5, 2026

Ang Pickleball ay parang isang palakasan na pinagsama ng iba’t ibang isports. Kagaya ng badminton, ping-pong, at lawn tennis. Hindi maipagkakaila na kung ating pagmamasdan ang mga manlalaro, ito’y nakapagbibigay sa kanila ng saya at pag-asa sa bawat isa.

Ang bagong larong kinagigiliwan ng nakararami, ito’y walang pinipiling edad at katayuan, lahat pantay-pantay— ang Pickleball. Hindi lamang ito nakapagbibigay ng saya, ito rin ay nakapagbibigay sa kanila ng panibagong libangan na kung saan makadididskubre sila ng mga bagong kaalaman na magagamit nila sa kanilang kinabukasan. Kung sa iba, ito’y tinatawag o pinangangalanang “Pampalipas-oras na laro”. Ngunit kung ating pagbibigyang pansin, ito’y nagsisilbing tagapagligtas ng iba. Halimbawa umano nalang na ang isang tao ay nakararanas ng mental na problema, ang Pickleball ang magsisilbing libangan at daluyan para pansamantala niyang malilimutan ang kaniyang mga iniindang bigat ng emosyon.

Ayon sa linya ng isang sikat na kampeon sa buong mundo na si Ben Johns, “Ang sikreto sa pagpapanalo ay ang konsistensya sa bawat dink”.

Pickleball: Dapat bang Higit pang Pondohan at Suportahan ng Pamahalaan o maging Pampalipas-Oras Lamang?

Ni: Iskor-Kuwento

Nobyembre 5, 2026

Sa mundo ng Pickleball, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng lakas, determinasyon, at magandang estratehiya. Nangangailangan din ito ng tamang suporta at tamang pondo. Pero bakit nga bang patuloy na sinusuportahan ng pamahalaan ang…

Magpatuloy sa Pagbasa…