Pickleball: Dapat bang Higit pang Pondohan at Suportahan ng Pamahalaan o maging Pampalipas-Oras Lamang?
Ni: Iskor-Kuwento
Nobyembre 5, 2026
Sa mundo ng Pickleball, hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng lakas, determinasyon, at magandang estratehiya. Nangangailangan din ito ng tamang suporta at tamang pondo. Pero bakit nga bang patuloy na sinusuportahan ng pamahalaan ang mga sikat na mga isports gaya ng basket at iba pa, kaysa sa bagong usbong na palakasan gayong ito’y nakapagbibigay ng aliw at karangalan sa ating bansa?
Sa dirami-dami ng mga palaksan na patuloy na sinusuportahan ng pamahalaan kagaya ng basketball at iba pa, na nakapagdala ng karangalan at kaligayahan sa ating bansa. Bawat taon ay iba’t ibang gantimpala ang kanilang natatanggap sa iba’t ibang torneo. Isa ang basketball sa nakapagbibigay ng dangal at mas nakilala ang bansang Pilipinas.
Sa kabilang panig, ang Pickleball ay nakapagbibigay ng aliw sa mga manlalaro. Kung patuloy itong susuportahan ng pamahalaan, hindi lang aliw ang maibibigay nito san ating bansa, makapagbibigay din ito ng malaking panagalan sa larangan ng Pickleball. Ayon ng Pickleball.ph, ang Pilipinas ay mayroong 5,540 na korte sa iba’t ibang panig ng bansa. At ayon naman sa Philippine Pickleball Federationn o PPF mayroong higit 427 playing venues o lugar kung saan pwedeng maglaro ng pickleball sa buong bansa.
Kung patuloy na susuporthan ito ng pamaghalaan, maari pa itong dumami at mababansagan ang bansang Pilipinas bilang “The Home of Pickleball”.
Kaya nararapat lamang na suportahan at pondohan ang Pickleball. Dapat magkaroon ang Philippine Sports Commission (PSC) ng pantay-pantay na suporta sa bawat palakasang mayroon ang ating bansa. Pantay-pantay na suporta para sa mas maunlad na kinabukasan ng ating bansa sa mundo ng palakasan.
Sa pangkalahatan, ang lakas, determinasyon, at magandang estratehiya ng bawat manlalaro ng Pickleball ay nangangailangan ng tamang suporta at pondo mula sa pamahalaan. Upang sila’y mabigyan ng tamang pasilidsad at sapat na kagamitan para sa kanilang pag-ensayo.