
Labanan ng Panahon sa Pamilyang Umaahon

Nobyembre 13, 2026
Lupaypay ang pamilyang mahirap na nga ngunit pinahihirapan pa ng nasabing El Niño sa bansang Pilipinas. Sa bawat pagtaas ng temperaturra, tumataas din ang suliranin ng mga mamamayan. Kinakailangan pa rin ng gabay at seguridad ang mga naaapektuhan sa init na nararamdaman.
Ayon sa Social Weather Station (SWS), malaki ang pinsalang naitatamo ng matinding init sa mga pamilyang kapos, pati na rin sa mga mag-aaral na sa pinansyal ay hindi pinagpalang lubos. Hindi maiiwasan ang tindi ng init lalo na sa bansang Pilipinas. Ngunit kung patuloy natin itong paiiralin, maaaring magdudulot ito ng kapahamakan sa bawat mamamayan.
Nawa’y pagtuunan ng pansin ang mga mamamayang Pilipino na naaapektuhan sa matinding krisis na ito. Sapaglat sa pagtutulungan at pagkakaisa, makikita ang tunay na kaunlaran na dadaig sa kahirapan.