
Mga Aeta, labis ang pangangamba sa Pax Silica
Nobyembre 3, 2026
Labis na nangangamba ang mga Aeta mula sa Capas, Tarlac sa isasagawang Pax Silica hub sa lunsod na maaaring rason ng posibleng kakulangan sa tubig, pagkawala ng mga tahanan at kabuhayan.
Nangangamba ang mga residente ng Sitio Manabayukan sa Barangay O’Donnell na ang nasabing proyekto ay maaaring makaapekto sa kani-kanilang pamumuhay.
Ayon kay Munoz, sinabihan silang lumikas at lumipat sa Sitio Binyayan ngayong ika-10 ng Disyembre nang walang siguro kung magbibigay ang gobyerno ng bagong tahanan at lupang maaari nilang sakahin. Dahil dito, posibleng mawalan ng tahanan at kabuhayan ang nasa 1,000 Aeta.
Ani ni Munoz, “Gusto nila ilipat kami sa Sitio Binyayan. kaya, ang sabi ko po, paano po ‘yung itinayo naming simbahan doon? At saka kaya po ayaw namin umalis doon dahil nandoon po ‘yung burial ground ng mga kanuno-nunuan namin.”

49th ASEAN Summit, Idinaos ng Villaflores College
Nobyembre 2, 2026