
49th ASEAN Summit, Idinaos ng Villaflores College
Nobyembre 3, 2026
Sinuportahan ng Villaflores College ang 49th ASEAN Summit and Related Summits sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mag-aaral na makilahok sa National ASEAN Flag Raising Ceremony nitong Martes, ika-3 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.
Ipinakita ng VC ang suporta sa pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN 2026 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon tungkol ASEAN sa mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan.
Inanyayahan ng paaralan ang bawat mag-aaral, guro, at iba pang empleyado na magsuot ng mga kasuotang angkop sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Lumikha rin sila ng mga kompetisyong maaaring lahukan ng bawat mag-aaral. Bukod dito, nagpakitang-gilas naman sa pagsasayaw ang Villaflores College Dance Club.