Artipisyal na Intelihensya, Kaalaman ang dapat Dumipensa

Ni: Guhit Diwa

Nobyembre 3, 2026

Sa panahon ngayon talamak na ang paggamit ng artipisyal na intelihensya sa anumang uri ng gawain. Mula sa pananaliksik ng impormasyon, pagbuo ng mga imahe, at pakikipagkomunikasyon. Bagaman, hindi natin maikakaila na habang tumatagal ang panahon ay patuloy na lumalaki ang saysay ng artipisyal na intelihensya sa pang araw-araw na pamumuhay, lalo na sa mga estudyante na wala na masyadong oras na pagsabayin ang kanilang mga gawain sa paaralan.

Ngunit hindi sapat na bigyan natin ng awtoridad ang AI upang tugunan ang ating mga pangangailangan habang patuloy tayong nagiging mangmang sa sarili nating tungkulin.

Ayon sa ulat, 83% ng mga mag-aaral na pilipino ang gumagamit ng AI para sa kanilang akademikong pagsusulat, pagsasaliksik, at pag-aaral. Samakatuwid, ang AI ay isang teknolohiyang tahimik na sumasamsam sa natural na kaalaman ng bawat mag-aaral, hinuhubog nito ang tuluyang pag-asa ng mga estudyante sa kaalaman na tinataglay ng artipisyal na intelihensya.

Ang masyadong pag-asa sa katalinuhan ng ai ay maaaring maging daan upang mawala ang tiwala sa sarili, pagkamalikhain, at pagkamabusisi ng isang mag-aaral. Kaya’t ang mainam na solusyon ay limitahan ang paggamit ng AI at iwasan ang pagtanaw dito bilang sandigan sa edukasyon. Dahil ang artipisyal na intelihensya ay maaaring maging kagamitan upang mas mapabilis ang ating mga gawain at hindi upang palitan ang kaalaman na tinataglay ng mga mamamayan.

Libreng Edukasyon: Pag-unlad ng Kinabukasan

Ni: Guhit Diwa

Nobyembre 3, 2026

Sa likod ng ilang taong pagsusumikap ng mga mag-aaral na makapagtapos sa pag-aaral hindi mawawala ang mga hadlang at problemang kailangan nilang harapin upang makamit ang kanilang mga pangarap. Isa na rito ang problema sa pinansyal na natutulak sa karamihan ng huminto sa pag-aaral…

Magpatuloy sa Pagbasa…