Libreng Edukasyon: Pag-unlad ng Kinabukasan

Ni: Guhit Diwa

Nobyembre 3, 2026

Sa likod ng ilang taong pagsusumikap ng mga mag-aaral na makapagtapos sa pag-aaral hindi mawawala ang mga hadlang at problemang kailangan nilang harapin upang makamit ang kanilang mga pangarap. Isa na rito ang problema sa pinansyal na natutulak sa karamihan ng kwento sa pag-aaral at balewalain ang propesyon na hinahangad nilang makamit.

Ang libreng edukasyon sa kolehiyo ay isang malaking tulong sa mga kabataang nangangarap na makatapos ng pag-aaral. Sa pamamagitan nito, nababawasan ang gastusin ng mga magulang at nabibigyan ng pagkakataon ang mahihirap na estudyante na makapag-aral.

Ayon sa datos, may higit sa 2.3 milyong mag-aaral ang kasalukuyang nakikinabang sa libreng matrikula sa buong bansa. Bukod dito, humigit-kumulang 713,000 naman ang tumatanggap ng iba pang student subsidies (tulad ng Tertiary Education Subsidy o TES). Ngunit hindi sapat na libre lamang ang tuition. Kailangan din ng sapat na silid-aralan, kagamitan, at de-kalidad na pagtuturo upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.

Ang edukasyon ay hindi lang dapat para sa mga mayayaman. Ito ay karapatan ng bawat Pilipino. Kaya nararapat lamang na patuloy na suportahan ang libreng edukasyon dahil ang kabataang may kaalaman ay susi sa pag-unlad ng bansa.

Trilyon sa Badyet, Pagbabagong Pinagkait

Ni: Guhit Diwa

Nobyembre 3, 2026

Sa bawat pisong nagmumula sa samabayang Pilipino, nararapat lamang na may katumbas itong serbisyo mula sa gobyerno. Ngunit ang tanong— mapupunta ba ito sa tamang kamay at tunay na pangangailangan ng…

Magpatuloy sa Pagbasa…