
Trilyon sa Badyet, Pagbabagong Pinagkait
Nobyembre 3, 2026
Sa bawat pisong nagmumula sa samabayang Pilipino, nararapat lamang na may katumbas itong serbisyo mula sa gobyerno. Ngunit ang tanong— mapupunta ba ito sa tamang kamay at tunay na pangangailangan ng mga Pilipino?
Mahalaga ang badyet para sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura ng bansa. Ayon sa datos, Php7.2 trilyon ang halaga ng budget, na mas mataas ng 6% (o humigit-kumulang P407 bilyon) kaysa sa P6.793 trilyon na badyet noong 2026. Ngunit ano ang silbi ng malaking pondo kung marami pa ring paaralan ang kulang sa silid-aralan, ospital limitado ang kagamitan, at mga Pilipinong nahihirapan. Gayunman, dapat bantayan ang posibleng korupsiyon at maling paggamit ng pera ng bayan. Hindi dapat makinabang ang iilan habang naghihirap ang nakararami.
Kaya nararapat lamang na maging malinaw at tapat ang pamahalaan sa paggamit ng bawat piso. Dapat tiyaking napupunta ang pondo sa mga proyektong patuloy na makatutulong sa mamamayan.
Tandaan, ang tunay na yaman ng bansa ay hindi nasusukat sa laki ng badyet, kundi sa pagbabagong nararamdaman ng bawat Pilipino.