Parol sa Gitna ng Kawalan: Paskong Di Kayang Agasin ang Dagok ng Krisis

Nobyembre 13, 2026

Tatlong pirasong pandesal, Isang Pitsel ng tubig. Maliit na parol na nakasabit sa bintana.

Iyong lamang ang pinaghahandaan ng pamilya Dela Cruz. Tila walang kaingay-ingay sa paghahanda, walang amoy ng bibingka at puto bumbong, at walang listahan ng marangyang regalo na inaasahang bilhin, ngunit sa kabila nito ang pamilya Dela Cruz ay napupuno parin ng mithiin.

Hindi na bago sa pamilyang Pilipino ang magtipid, magbawas ng gastusin at mag-ipon ng buwis. Lalo na sa paparating na kapaskuhan sa Disyembre. Isang kaarawan na napupuno sana ng kaligayahan ngunit nagiging suliranin sa mga pamilyang kapos at walang hangganan. Habang patuloy na tumataas ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan sabay ding nalulunod ang mga pamilyang malas sa yaman.

“Dahil dito paano magiging makabuluhan ang paparating na kapaskuhan?”

Ilang araw nalang pasko na. Nang ako’y lumabas sa aking silid at ng malanghap ko ang simoy ng hanging amihan, Ipinadyak ko ang aking mga paa at patuloy na pinagmasdan ang mga batang kumakanta at humihiyaw. “Ate Carlene! Ani ng isang bata sabay dinalaw ako ng isang mahigpit at matamis na yakap sabay sabing “Malapit na ang pasko! Ako’y natutuwa marahil ito’y pinakahihintay ko, at sana ika’y makapiling ko” Napangiti ako sa kadahilanan na ang Pasko ang tunay na pinakahihintay ng bawat mamamayang Pilipino. Ngunit biglang naglaho ang ngiti na nakaguhit sa aking labi ng sumagi sa aking isipan ang isang mapait na katotohanan. “Paano yung mga pamilyang lubos na nagmamahalan, nais ding maghandog ng maliit na regalo sa minamahal, at umaasang saba’y na kumain sa hapagkainan ngunit, dahil sa kahirapan sila’y napipigilan.

“Anak pasensya na at ito lang ang makakaya natin ngayon. Di bale, pag-iipunan muna namin ni tatay ha, ang mahalaga tayo ay magkasama”

Mahal ang magmahal. Habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan, saba’y namang nalulunod ang mga pamilyang kapos at malas sa yaman. Gayunpaman, hindi kinakailangan na talikuran ang totoong diwa ng kapaskuhan dahil lamang sa krisis na ito.

Sapagkat anong silbi nitong pagmamahal kung lahat din ay nagmamahal? batid ko na ang tanging ligaya lamang ng pamilyang Pilipino ay ang makapiling ang isa’t isa. Di man sapat ang sahod, ngunit sapat naman sa katapatan, Di man magarbo ang kapaskuan, puno naman ng  pagmamahalan. Likas sa atin na, gaano man kahirap ang mga pagsubok sa buhay nakakaya natin ito dahil ito ang nagpapanatili sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

“Tatlong pirasong pandesal, Isang pitsel ng tubig, maliit na parol na nakasabit. Sapagkat puno ng kasiyahan, katatagan at kinang sa mga mata na siyang sumisimbolo ng pag-asa”.

Nawa’y isapuso natin na hindi nasusukat sa kung gaano ka marangya ang noche buena,  at kadami ang buwis at regalo sa pasko, marahil sa pasko ang pagkakaisa, pagtutulungan

At higit sa lahat pananampalataya sa Diyos. Ito ang totoong diwa ng pasko at narito ang pusong Pilipino.

Per Aspera Ad Astra.