
Kabuhayan at Kaunlaran: Ang siyang lakas ng Bayan
Setyembre 28, 2026
Sa bawat butil ng palay, gulay na inaani, prutas na pininitas, naroon ang sipag at tiyaga ng mga magsasakang Pilipino, at karamihan sa kanila ang nagsasakripisyo, inaalay ang dugo at pawis hindi para sa kanilang sarili kundi para may makain ang kanilang mga pamilya na naghihintay sa kanilang tahanan.
Sa mga mahiwagang bukirin nagsimula ang mga produkto na ginagamit natin araw araw, kapag masagana ang ani mas maraming pagkain ang napupunta sa pamilihan at mas maraming magsasaka ang nakikinabang, nakapagbibigay din ito ng kahalagahan hindi lamang sa mga magsasaka kundi rin sa hayop, mangingisda, negosyante, manggagawa at sa lahat ng may kaugnayan dito.
Gayunpaman, maraming hamon ang kinakaharap ng sektor ng agrikultura kabilang dito ang pagbabago bago ng panahon mataas na presyo ng pamilihin at kagamitan sa pagsasaka, at kakulangan ng supporta sa pamahalaan. Dahil dito mahalagang mabigyan ng pansin ang kaunlaran ang ating agrikultura at ekonomiya. Kinakailangan rin ang pagtangkilik ng sariling produktong ani at gawi ng ating mga kababayan upang mapapanatili ang ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ang matatag na agrikultura ay malaking bahagi sa matatag na ekonomiya.