NGC ng Tanjay City, pormal na binuksan sa publiko

Ni: Mary Carlene F. Cuevas

Setyembre 29, 2026

TANJAY, Pilipinas— Isinagawa ang opisyal na pagbubukas at pagpapa-blessinh ng New Government Center sa lunsod ng Tanjay. Ginanap ito noong Hulyo 1, 2026 sa alas kuwatro ng hapon, ang NGC ay matatagpuan sa Barangay San Isidro, Tanjay City. Bukod kay Hon. Mayor Jose “Pepe” T. Orlino, alkalde ng Tanjay City, ay naroon din ang kongresista ng pangalawang distriyo na si Ma. Isabel MAISA Sagarbarria at ang mga opisyal ng lunsod sa 9th at 10th Sangguniang Panglunsod.

Ang kaganapang iyon ay nagsimula sa pagpapa-blessing ng NGC, hanggang sa seremonya ng paggupit ng laso na nagpapatunay na opisyal ng binuksan ang NGC. Ayon sa post ng alkalde, labis ang kaniyang pasasalamat sa pari ng Saint James the Greater Parish, na pinanguluhan ng kanilang Team Moderator na si Fr. Carmelito “Jun” Limbaga Jr., sa kaniyang pagsasagawa ng nasabing pag-blessing.

Bukod pa dito, labis din ang kaniyang pasasalamat sa PhilSouth team lalo na kay Engr. Luisito Tijing dahil sa kanilang suporta at kasipagan simula sa umpisa. Pinasalamatan din niya ang lahat ng Tanjayanon na dumalo sa nasabing kaganapan.

Ani ng alkalde sa kaniyang post, “One progress at a time for our beloved city of Tanjay.”