
Donald Trump, Binisita ang Pilipinas

Nobyembre 27, 2026
Dumating si Pangulong Donald Trump, Pangulo ng Estados Unidos, sa Pilipinas noong araw ng Martes, ika-17 ng Nobyembre, taong kasalukuyan upang daluhan ang 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Dumating si G. Trump at kaniyang mga kasama sa Balagbag Ramp ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinalubong nina House Majority Leader at anak ng pangulo G. Sandro Marcos, Executive Secretary G. Ralph Recto, Philippine Ambassador to Washington G. Jose Manuel Romualdez, US Ambassador to the Philippines G. Lee Lipton, at Pasay City Mayor G. Imelda Calixto-Rubiano.
Ang pagbisita ng Pangulo ay umani ng mga protesta mula sa iba’t ibang mamamayan ng Pilipinas dahil sa iminumungkahi nilang proyekto na Pax Silica.
Dahil dito, ibinahagi ni Pangulong Trump na wala pa umanong magaganap na pagpipirma ng kasunduan. Dagdag naman ni Pangulo ng Pilipinas na si G. Ferdinand Marcos Jr., “No, not on this trip.
We are not covering that on this trip.” Samantala, inaasahang lilipad patungong China sina Pangulong Trump, Pangulong Marcos, at iba pang pinuno ng mundo na nasa Maynila pagkatapos ng ASEAN Summit para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit.



